Tanging ikaw lamang
Sa akin ay nagparamdam
Tunay na pagmamahal
Tugon ng maykapal... sagot sa aking mga dasal
Kahit di pinapansin
Ang pag-ibig mo’y laging laan pa rin
Kahit na sinasaktan
Ako pa rin, ako ay di mo iniiwan
Ngayong ika’y narito na
Ayokong mawala pa
Salamat sa iyong pagmamahal
Tanging pakiusap
Sa puso mo'y mahanap
Ang aking dinarasal...
At sana'y sabihin
Ng iyong damdamin
Tanging ako ang iyong mahal
Labis akong masasaktan
Kapag iyong iniwan
Di hahayaan na mawalay muli
Ang tanging panalangin
Sigaw ng aking damdamin
Laging nag-iisang mahal...
Tanging ikaw...